Juan Ekis/Kooky Tuason-Nauubusan Na Ako Ng Tutulaan歌曲免费下载

《Juan Ekis/Kooky Tuason-Nauubusan Na Ako Ng Tutulaan》歌曲详情

作词 : Juan Ekis

作曲 : Marlon Raymond Legaspi

NAUUBUSAN NA AKO NG TUTULAAN

Nauubusan na ako ng tutulaan sa umaga.

Nakatulala na naman ako sa bintana, inuusisa

Ang mga kable ng kuryente, ang mga ibong

Pinagtsitsismisan ang mga nasaksihan nilang

Lihim na pagtataksil ng kapitbahay ko kagabi,

At ang paulit-ulit na palabas sa kalsada sa tapat

Ng bintana ng kwarto ko, nagbabakasakaling

May bago akong pwedeng pansinin. Ngunit

Mga ulap lang ang nagpapalit ng anyo,

Na ngayo'y naging mukha mo.

Nauubusan na ako ng tutulaan sa umaga

Kaya heto inaalala na naman kita

At ang lahat ng mga tulang hindi ko isinulat

Para sa iyo. Bakit ganoon? Iniisip kita

Kapag nakasusuya na ang daigdig at hindi makatula

Dahil wala nang lasa ang pag-ibig?

Tuyo kang sugat na lagi kong tinutungkab

Para lang dumugo ang alaala at magkaroon

Ng dahilan para paghilumin ng talinghaga

Ang aking mga tula. Pahihirapan ko ang sarili

Dahil nangako akong tutula tuwing umaga.

Nauubusan na ako ng tutulaan sa umaga.

Nauubusan na ako ng tula.

Nauubos na ako

Inubos kita.

At tuwing umaga, tulala ako sa bintana,

Sinusubukang buuin kang muli sa tula.

下载地址:

此为隐藏内容,需人机验证后查看下载!